Pormal ng nanumpa bilang ika-47 pangulo ng US si Donald Trump.
Pinangunahan ni Chief Justice John Roberts ang panunumpa ni Trump sa loob ng Capitol Rotunda.
Bukod sa Abraham Lincoln bible para sa panunumpa ay ginamit ni Trump ang kaniyang personal na bibliya.
Ang nasabing bibliya ay siyang ginamit niya rin sa unang termino niya bilang pangulo noong 2017.
Matapos ang panunumpa ay nagpaputok ng canyon ang US military bilang tradisyon sa pagpupugay nila.
Isinagawa sa loob ng Capitol Rotunda ang panunumpa ngayon dahil sa labis na lamig ng panahon sa labas.
Huling isinagawa ang indoor na panunumpa ay noong panahon ni dating US President Ronald Reagan noong 1985.
Bago ang panunumpa ni Trump ay nanumpa na rin bilang kaniyang bise presidente si JD Vance na pinangunahan ni Supreme Court Justice Brett Kavanaugh.
Dumalo sa nasabing panunumpa ang mga napiling bubuo ng kaniyang gabinete ganun din ang mga dating pangulo ng US at kanilang mga asawa.