Inihayag ni dating US President Donald Trump na ‘ok’ lang sa kaniya na isilbi ang panahon ng pagkakakulong o house arrest kasunod ng makasaysayang conviction nito sa 34 na bilang ng felony sa pagpalsipika ng kaniyang business records.
Subalit sinabi din na Trump na sa kaniyang palagay hindi ito maatim ng publiko at magiging mahirap din aniya ito para sa publiko.
Ginawa ni Trump ang pahayag ilang araw matapos na hatulang guilty ng Manhattan jury ang dating US President sa lahat ng kaso nito may kaugnayan sa hush money trial.
Bunsod nito, si Trump ang kauna-unahang dating Pangulo ng Amerika na napatunayang guilty sa felony at inang major-party president nominee na na-convict sa krimen sa kalagitnaan ng kampaniya para sa 2024 US presidential election.
Una na nga sinentensiyahan si Trump ng probation o hanggang 4 na taong pagkakakulong sa state prison para sa bawat bilang ng felony na may maximum na 20 taong pagkakakulong.
Sa ngayon nananatiling malaya si Trump habang inaantay ang kaniyang sentensiya.
Samantala, sa isang panayam kay Trump nanindigan siyang wala siyang ginawang masama.