-- Advertisements --
Tinanggap na ng Pilipinas ang nasa 20,000 sako ng bigas na tulong ng Taiwan, malugod itong tinanggap ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na pinangunahan naman ng Chairman na si Silvestre Bello III.
Nagpahayag ng pasasalamat si Bello sa naturang donasyon na makakatulong sa mga mabibigyang pamilya.
Samantala, mapupunta naman umano ang donasyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para suportahan ang mga mahihirap na pamilya at ang mga naging biktima ng kalamidad sa bansa.
Inaasahan naman na darating pa sa bansa sa lalong madaling panahon ang ilan pang donasyon ng Taiwan sa Pilipinas. Ang 20,000 na sako ng bigas ay bahagi pa lang umano ng 40,000 sako na tulong mula sa Taiwan.