-- Advertisements --

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief police director Gen. Ronald Dela Rosa na 99 percent sa mga baril na ibinigay ng China ay mapupunta sa pambansang pulisya.

Sa panayam kay Dela Rosa, kaniyang sinabi na nasa 2,900 na baril na donasyon ng China ay mga pulis ang mabibiyayaan.

Tinatayang 100 dito ay mapupunta sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang kanila ring masuri.

Sa ngayon kasi ay isinasailalim na sa ballistic test ang mga nasabing baril at pinoproseso na ang mga papeles upang maging legal ito.

Inaasahang matatapos ito sa loob ng linggo ito upang maipamahagi na sa PNP.

Binigyang-diin ng PNP chief na prayoridad na mabigyan ng mga donasyong armas ay ang Lanao del Sur at buong Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Aniya, mas kailangan ng mga pulis ng armas doon lalo na at nagpapatuloy ang operasyon ng militar laban sa mga teroristang Maute sa Marawi City.