-- Advertisements --

Naihatid na ng Department of Agriculture ang donasyong bigas sa mga mga pamilya na naapektuhan ng bagyong Kristine sa Batangas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. , aabot sa mahigit 4,000 metriko tonelada ng bigas katumbas ng nasa 100 libong sako ang naipaabot ng ahensya sa mga residente.

Ang naturang donasyon ay nagmula pa sa South Korea .

Ayon kay Laurel, ito ay sa ilalim ng Tier 3 Program ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve.

Maaalala, kabilang ang Pilipinas sa kinatawan sa National Food Authority sa ASEAN Plus 3 Emergency Rice Reserve program.

Nilinaw ng DA , na ang nasabing bayan ay kabilang sa pinaka sinalanta ng naturang bagyo ay karamihan sa mga pamilya ay talagang nangangailangan ng ayuda mula sa gobyerno.

Tiniyak rin ng kalihim na magiging handa sila sa lahat ng oras para tumugon sa pangangailangan ng mga Pilipino lalo na tuwing may kalamidad.