-- Advertisements --

mvp1

Nagpasalamat si AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay kay business tycoon Manny V Pangilinan sa donasyon nitong mga sasakyan sa AFP na kinabibilangan ng isang Bo 105 multipurpose Helicopter, sa turnover ceremony ngayong araw Sa Camp Aguinaldo.


Ang Ceremonial Signing ng deed of Donation para sa mga sasakyan ay pinangunahan ni General Gapay at Pangilinan sa General Headquarters sa Camp Aguinaldo, na sinaksihan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana; Philippine Army Commanding General, Lieutenant General Cirilito Sobejana; Philippine Navy Flag Officer-in-Command, Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo; and Philippine Air Force Commanding General, Lieutenant General Allen Paredes.

Ang helicopter na mula sa Metro Pacific Investments Corporation Foundation, na kabilang sa MVP Group of Companies ay mapupunta sa Philippine Army Aviation “Hiraya” Regiment.

Tumanggap naman ang Army, Air Force at Navy ng tig-dalawang set ng brand new rescue boats na may kasamang sagwan at life vest mula sa PLDT-Smart Foundation, Inc.

Habang ang AFP General Headquarters ay nakatanggap ng 3 dry vans at isang wing van mula sa One Meralco Foundation, Inc.

Bukod sa pagtanggap ng donasyon, lumagda rin ang AFP sa isang Memorandum of Agreement kasama ang Makati Medical Center Foundation (MMCF) na pinamumunuan ni Pangilinan para sa pagpapalawig ng Public – Private Partnership upang mapalkas ang kapabilidad ng AFP Military Treatment Facilities (MTF) nationwide.

mvp2

Samantala, pinuri ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang MVP Group of Companies sa ipinamalas nitong corporate social responsibility na aniya’y nagsisilbing modelo para sa ibang mga malalaking kumpanya.

Ayon sa kalihim ang mga bagong kagamitan ay makakatulong sa humanitarian assistance, disaster response operations, peacekeeping missions, at logistics ng AFP.

Sinabi ng kalihim na bukod sa halaga ng donasyon, malaking bagay ang suporta ng pribadong sektor sa mga sundalo sa kanilang pagganap ng kanilang tungkulin.

Nagpasalamat din ang kalihim sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng AFP at Makati Medical Center Foundation, na pinamumunuan din ni Pangilinan na magpapalakas sa mga AFP Military Treatment Facilities (MTF) nationwide.

Ayon kay Lorenzana, magbebenepisyo sa kasunduan ang mga sundalo na nagka-sakit, o napinsala dahil sa trabaho, at maging ang kanilang mga pamilya.