-- Advertisements --
Labis ang pasasalamat ni Bea Alonzo dahil umabot na sa mahigit P9 million na cash and in-kind donations para sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Sa kaniyang social media, ipinakilala niya ang mga nasa likod ng kaniyang “I Am Hope” na kasamang itinaguyod ni Rina Navarro.
Unang layon ng nasabing fund drive ay ang pagpapakain sa mga komunidad na naapektuhan ng lockdown subalit kinalaunan ay lumawak ito at nagbibigay na kaniyang grupo ng pagkain sa mga frontliners.
Dagdag pa ng actress na mayroon ng 44 hospitals at 36 na komunidad ang natulungan ng kanilang grupo.
Patuloy pa rin ang paghikayat nito sa mga followers na sila ay magdonate.