Hindi gumana ang pagiging top shooting player ng Golden State Warriors na si Stephen Curry nang masilat sila ng Dallas Mavericks, 99-82.
Liban sa inalat si Curry, naglatag din ng matinding depensa ang Mavs upang pigilan sa kanyang opensa si Curry na nagtapos sa 14 points o limang naipasok sa 24 na pagtatangka.
Habang meron lamang siyang isang naipasok sa siyam na pagtatangka sa 3-point range.
Itinuring tuloy ito bilang “worst shooting night” sa kanyang season.
Sinamantala naman ng Mavs ang kamalasan ng Warriors kung saan kumamada si Luka Doncic ng 26 points na may walong assists at seven rebounds kasabay ng selebrasyon sa retirement ng jersey number 41 ng dating Mavs great ang 7-foot na si Dirk Nowitzki.
Ito ay sa kabila na wala si Kristaps Porzingis na nasa ilalim ng health at safety protocols.
Ito na ang four-game winning streak ng Mavs para umangat sila sa 20-18 record.
Ang Warriors ang top team pa rin sa 29 wins kasama ang Suns.