-- Advertisements --
Pinasalamatan ni NBA superstar Luka Doncic ang kaniyang mga fans na iniwan sa Dallas Mavericks.
Sa kaniyang social media, sinabi nito na hindi niya malilimutan ang mainit na pagtanggap ng Dallas sa kaniya noong pumasok siiya sa koponan, pitong taon na ang nagdaan.
Ginawa niya ang lahat ng makakaya sa Dallas para makakamit ng kampeonato subalit ito ay nabigo.
Bilang isang Slovenian na unang nakatapak sa US ay mainit siyang tinanggap at itinuring siya ng Dallas bilang isang anak.
Magugunitang marami ang nagulat sa paglipat ni Doncic sa Lakers kasama sina Maxi Kleber,Markieff Morris kapalit nina Antony Davis, Max Christie at 2029 first-round draft pick ng Lakers.