Pinahiya ng Dallas Mavericks sa teritoryo mismo ang karibal na New York Knicks matapos na walisin sa iskor na 99-86.
Binitbit ni Luka Doncic ang Mavs sa pamamagitan ng kanyang 26 points para sa kanilang ika-26 na panalo at tatlong sunod din na panalo.
Sa init ng kamay ng Mavs, si Doncic ay isa lamang sa limang players na natapos sa double-figures para sa Dallas.
Ang iba pang teammates ay kinabibilangan ni Jalen Brunson na may 15 points, Kristaps Porzingis at Tim Hardaway Jr., na nagpakita ng 14 puntos kontra sa dati nilang team.
Para sa bigman na si Porzingis ang matinding depensa raw ang magpalo sa kanila laban sa Knicks.
Nalasap ng ng Knicks (24-25) ng ikatlong sunod na talo.
Nabaliwala rin ang mga puntos ni Alec Burks na may 20 points at sina Julius Randle na nagtapos 14 points at Reggie Bullock 13.