VIGAN CITY -Nagpasalamat si Donnie “Ahas” Nietes sa mga pilipino na sumuporta sa kanyang laban kontra kay Kazuto Ioka.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Nietes, aminado umano ito na nagkulang sa kanyang naging performance kung kaya’t naunahan ng japanese boxer na makakuha ng puntos sa kanilang laban.
Nagkamali umano ito sa kanyang galaw na laging umamatras at hindi naging agresibo sa Japanese champion dahil hinihintay ni Nietes na makapasok at makapagbitaw ng maraming suntok si Ioka upang ma-counter ito.
Aniya, umiiwas at tumatakbo si Ioka at bumibitaw lamang ng jab at straight punches.
Dagdag pa ni Nietes, nahirapan umano ito noong pumasok ang round 10 ng magkaroon ito ng cut sa kanyang kilay at mapuruhan ng kampeon.
Sa ngayon wala pa umanong plano si Nietes dahil bahala na ang kanyang manager kung mabibigyan pa ulit laban.