-- Advertisements --

Pinalawig ng Cleveland Cavaliers ng tatlong taon ang kontrata ni Donovan Mitchell.

Ang five-time All-Star guard ay pumayag sa tatlong taon na extension na nagkakahalaga ng $150.3 milyon.

Ayon sa 27-anyos na si Mitchell na masaya ito ng maglaro sa Cavs.

Nakuha ng Cavs si Mitchell mula sa trade ng Utah Jazz noong 2022.

Itinuturing na isa sa pinakamagaling na guard ng Cavs si Mitchell dahil sa nakapasok sila sa playoffs ng magkasunod na season.