-- Advertisements --

Nagtala ng come-from-behind win ang Utah Jazz sa pangunguna ni Donovan Mitchell gamit ang 45 upang makalusot sa Los Angeles Clippers sa Game 1 ng kanilang Western Conference semifinals series.

Nakahabol na lang ang No. 1 team sa NBA na Jazz sa 3rd quarter hanggang sa 4th quarter.

Dinomina ni Mitchel ang opensa sa huling sandali upang bumawi mula sa matamlay na first half dahil sa umano’y dinaramdam.

Sumuporta rin sa diskarte ng Utah sina Jordan Clarkson at Bojan Bogdanovic na kapwa may tig-18 points.

Sina Mitchell at ang Fil Am na si Clarkson ay may tig-anim na na three point shots.

Sa panig ng Clippers na kagagaling lamang sa panalo sa first round laban sa Dallas Mavericks ay nanguna naman si Kawhi Leonard na may 23.

Si Paul George ay nagdagdag ng 20 points at 11 rebounds.

Habang si Luke Kennard ay umeksena sa 18 points at may team-high na apat na 3-pointers.

Muling maghaharap ang Utah at Los Angeles sa Game 2 sa Biyernes doon pa rin Salt Lake City.