-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Donsol sa Sorsogon bandang alas 10:28 ng gabi.

Natukoy ang epicenter sa layong 12.83°N, 123.59°E – 008 km S 04° W ng Donsol, Sorsogon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na nasa 16 km.

Naitala naman ang Intensity III sa Legazpi City; Intensity II sa Iriga City; Pili, Camarines Sur; Malunay, Quezon at Intensity I sa Sipocot, Camarines Sur.

Nasa limang mga aftershocks na ang naitatala ng mga instrumento, una ang magnitude 2.5 bandang 10:32 ng gabi, magnitude 2.3 ng 10:33, magnitude 3.1 ng 10:41 at Magnitude 2.4 sa 10:44.

Habang pinakamalakas ang magnitude 4 na naitala bandang 10:58 ng gabi.

Patuloy na pinag-iingat ang publiko sa mga posible pang after shocks.