Pinuri ni Russian President Vladimir Putin ang inilabas na report ni US Special Counsel Robert Mueller kaugnay ng hindi matapos tapos na pagbibintang dito sa di-umano’y pakikialam niya noong 2016 US presidential elections.
Ito ay matapos siyang pagbantaan ni US Secretary Mike Pompeo na huwag na muling makialam sa gaganapin na 2020 US presidential election tulad ng ginawa raw nito noong 2016.
Ayon kay Putin, magsisilbing ebidensya umano ang Mueller report upang patunayan na kahit kailan ay walang makikitang ebidensya na magdidiin sa kanya ukol sa pangangampanya noon ni US President Donald Trump.
Samantala, hangad naman ni Putin na mas lalo pang pagyamanin ang magandang samahan ng Estados Unidos at Russia.
Ayon dito, tinawagan daw siya ni Trump at sinabing handa raw itong ayusin ang relasyon ng dalawang bansa at resolbahin ang mga isyu na namamagitan sa kani-kanilang mga sinasakupan.