Inatasan ng pamunuan ng Department of National Defense (DND) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tiyakin ang pagpapairal ng “rule of law” at pagtataguyod ng karapatang pantao sa pagpapatupad ng Martial Law declaration ng Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.
Una nang pinangalanan ng Pangulong Duterte si AFP chief of staff Gen. Eduardo Año, bilang pangunahing administrator ng Martial Law sa Mindanao.
Sa nilagdaang Memorandum ni DND Undersecretary for civil, veterans and retirees affairs, Eduardo del Rosario, pinaalalahanan nito ang militar na sa ilalim ng batas militar ay hindi suspindido ang Konstitusyon, gayundin ang operasyon ng mga judicial at legislative assemblies.
Sinabi ni Del Rosario na ang mga civilian courts pa rin ang may pangunahing hurisdiksyon sa mga kaso laban sa mga sibilyan at hindi ang mga military courts.
Hindi rin aniya suspendido ang writ of habeas corpus.
Sa ilalim ng batas militar ang AFP ay magkakaroon ng police powers na mag-aresto ng mga suspek sa krimen.
Para matiyak na ang karapatan ng mga suspek ay hindi malalabag sa ilalim ng batas militar, nakasaad sa memorandum na ang pag-aresto at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek ay dapat pa rin sumunod sa mga itinakdang alituntunin ng mga civilian courts.
“The AFP and all bureaus and agencies of this Department are hereby enjoined that the rule of law and human rights would prevail in the place or part of the Philippines where the Martial Law was declared and effective,” ani Usec. Del Rosario sa memorandum. “Any arrest, search and seizure executed or implemented in the area or place where Martial Law is effective, including the filing of charges, should comply with the revised Rules of Court and applicable jurisprudence.”
Samantala sa panig ng PNP, nilinaw rin naman ni C/Insp. Jose Najera, ng PNP Legal Service, walang mababago sa mga pinaiiral na alituntunin ng PNP ngayon.
Sinabi ni Najera, na sa draft ng Memorandum na kanilang ilalabas, dapat walang warrantless arrest.
Ibig sabihin hindi maaaring ikulong ng lampas ng tatlong araw ang sinumang akusado at pairalin lagi ang Police Operational Procedure.
Layunin nito na maprotektahan ang karapatan ng mga civilian kahit pa umiiral na ang Martial Law sa Mindanao.
Bumuo na rin ng guidelines ang PNP ukol dito at merong do’s and dont’s sa Martial Law.
Kabilang sa nakasaad dito ay irespeto ang karapatang pantao at ang dignidad ng suspek.
Una nang idineklara ng Pangulong Duterte ang Martial Law sa buong Mindanao sa loob ng 60 araw upang masupil ang lawless violence sa lugar, kasunod ng kaganapan sa Marawi City.
Do’s and Dont’s of Martial Law:
Dont’s of Martial law
1. The police and military personnel cannot effect warrantless arrests outside the circumstances provided under Section 5, Rule 113 of the Rules of Court.
2. No arrested/detained person should be charged beyond the period of 3 days. After the lapse of 3-day period the detained/arrested person shall be released.
3. Civilians cannot be tried in military tribunals. The declaration of Martial law does not suspend the functioning of the civil courts and the legislative assemblies.
4. No violations of constitutional rights of a person. The constitutional guarantees under the bill of rights remain to be operative and continue to accord the people of its mandate of protection.
5. No violations of the basic rights of the people/citizens.
6. The declaration does not impair the right to bail.
7. Implementation cannot be extended for more than 60 days unless extended by Congress upon the initiative of the president.
Do’s of Martial Law
1. All PNP personnel shall at all time respect the human rights and dignity of the suspect.
2. Shall strictly observe the Police Operational Procedure.
3. Shall stringently follow the provisions of Republic Act No. 7438.
4. Shall strictly obey the provisions of Republic Act No. 9745.