-- Advertisements --

Nakibahagi sa sa milk letting activity ng Quezon City Human Milk Bank ang mga breastfeeding mom sa Escopa Health Center.

Layunin nitong mabigyan ng masustansyang gatas ng nanay ang mga sanggol na kulang sa nutrisyon.

Angkop din ito sa mga inaalagaan dahil sa kawalan ng inang magpapa-dede sa kanila, bunsod ng iba’t-ibang rason.

Kabilang na ang mga may inang walang kapasidad mag-produce ng gatas o maging ang may nanay na nasawi sa panganganak.

Tiniyak naman ng QC LGU na dadaan ang lahat ng magdo-donate sa screening at libreng testing para sa HIV at Hepa B bago magbigay ng kanilang breastmilk.