-- Advertisements --
Nagsagawa na ng paglikas ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa mga pamilyang inabot ng tubig baha dala ng walang tigil na ulan.
Kahapon ay kinailangan nang dalhin sa mga evacuation center ang ilang mga pamilya na napektuhan ng kalamidad.
Ilan sa mga ito ay mula sa Block 15 sa Baseco, Port Area, Manila habang ang ilan ay mula sa Isla Puting Bato sa Tondo.
Ayon kay Manila LGU spokesperson Princess Abante, hanggang kagabi ay mayroon nang 84 na pamilyang inilikas sa Delpan Evacuation Center habang may ilang pamilya rin ang nananatili sa Baseco Evacuation Center.
Tiniyak naman ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) na nabibigyan ang lahat ng mga evacuees ng pagkain, hygiene kits, at mga food packs.