-- Advertisements --
montoya
IMAGE | PCHRD Executive Director Jaime Montoya in the DOH media forum/Screengrab

Kinumpirma ng Department of Science and Technology (DOST) na pumasa na rin sa “technical review” ng Vaccine Expert Panel ang clinical trial application sa Pilipinas ng kompanyang Clover Biopharmaceutical na mula China.

“As of November, the VEP has also technically cleared Clover Biopharmaceutical application. It is now forwarded to the FDA for regulatory review,” ani Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD)

Una nang pumasa sa VEP ang clinical trial application ng Sinovac Biotech na mula rin sa China. Kasalukuyan na rin itong inaaral ng mga eksperto sa Single Joint Research Ethics Board at Food and Drug Administration (FDA).

“The local CRO (contract research organization) still has to respond to the initial findings of the research board.”

Ayon kay Dr. Montoya, kung matagumpay na makakatalima sa review process ang dalawang kompanya ay posibleng masimulan ang kanilang clinical trial sa susunod na buwan o sa Enero ng 2021.

“We foresee they will be able to complete the review process in the next few days. Kung magtuloy-tuloy ang Sinovac at Clover, we foresee na mag-uumpisa ang clinical trial ng late December or early January.”

Bukod sa nasabing mga kompanya, tatlong institusyon pa ang nagpasa ng clinical trial application sa pamahalaan. Kabilang dito ang Gamaleya Research Institution, Janssen Pharmaceutical at AstraZeneca.

“(Janssen and Clover) are not among the bilateral partners we are talking to but have submitted as an independent trial through a local CRO.”

Ayon kay Dr. Montoya, may 17 bilateral partners ang Pilipinas pagdating sa usapin ng COVID-19 vaccine. Mula sa kanila, walo ang lumagda ng Confidentiality Data Agreement.

17 bilateral partners
IMAGE | Dr. Jaime Montoya presentation

Kabilang dito ang apat na galing sa China, dalawa sa Taiwan, at tig-iisa sa Russia at Australia.

dost 3
IMAGE | Dr. Jaime Montoya presentation

Batay sa report ni Dr. Montoya, sa buong mundo mayroon ng anim na bakunang aprubado para sa limitadong paggamit. May 38 namang nasa Phase 1 trials, 17 ang nasa Phase 2, at 13 ang nasa huling antas o mas kilalang Phase 3.