MANILA – Natanggap na ng Department of Science and Technolgy – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ang approval para magamit bilang “utility model” ang Gamma Aminobutyric Acid (GABA).
Kabilang sa mga naaprubahan ay ang:
- Orange Sweet Potato Powder Rich in GABA
- Process for Producing Orange Sweet Potato Powder Rich in GABA
- Green Tomato Powder Rich in GABA
- Process for Producing Green Tomato Powder Rich in GABA
- Green Tomato Powder Rich in GABA
- Process for Producing Green Tomato Powder Rich in GABA
Ayon kay DOST Sec. Fortunato de la Pena, inabot ng taon ang pag-aaral ng FNRI sa GABA.
Ang GABA ay “neurotransmitter” na nagpapadala ng “chemical messages” sa utak at nervous system ng tao.
May papel din itong ginagampanan sa komunikasyon ng brain cells.
Ilang pag-aaral na raw ang nagsabi na may kakayahan ang GABA para mapababa ang altapresyon.
Nakakatulong din daw ito sa relaxation, pagtulog, at pampakalma.
“(GABA can) diminish anxiety, delays and/or inhibit cancer cell proliferation, and improve long term memory.”
Na-obserbahan daw ng mga mananaliksik na mababa ang GABA ng mga pasyenteng may Alzheimer’s disease.
“It helps in retention of memories and was found to delay onset of Alzheimer’s disease.”