Hinimok ng Department of Science and Technology ang gobyerno na tugunan ang lumolobong porsyento ng mga food waste sa Pilipinas.
Naglabas ang departamento ng isang nakaaalarmang larawan ng mga basurang plato sa bahay na kung saan ang bigas, gulay, at karne ang pangunahing sanhi ng pag-aaksaya ng pagkain sa bansa.
Inilabas ng Department of Science and Technology ang larawan upang himukin ang mga pagsisikap mula sa pribado at pampublikong sektor upang malutas ang problema.
Ayon kasi sa pag-aaral, 39% ng mga pamilyang Pilipino ang may basura ng bigas, 11% ang may basura ng gulay, at 8% naman sa mga karne.
Dagdag pa ng ahensya na ang Pilipinas ay mayroong 930 milyong tonelada ng basura sa pagkain noong 2019 lamang.
Kaugnay niyan, ang food waste ayon pa sa Department of Science and Technology ay nangangailangan din ng mas maraming greenhouse gasses na nakakaapekto sa global warming.
Habang ang mga pampubliko at pribadong sektor ay kailangang tugunan ang pandaigdigang kakulangan sa pagkain at pag-aaksaya ng pagkain, iminumungkahi ng nasabing departsmento na ang bansa ay kailangang sanayin ang mga tao tungkol sa meal portion at meal size.
Giit pa ng Department of Science and Technology, dapat na bumalangkas ng higit pang mga patakaran sa pagharap sa mga programa sa pagbabawas ng food waste sa Pilipinas.