-- Advertisements --

MANILA – Itinanggi ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagkakaugnay ng ahensya sa umano’y cyber-attack at red-tagging sa ilang alternative media organizations.

Sa isang statement, sinabi ng DOST na walang basehan ang imbestigasyon na ginawa sa ibang bansa, kung saan natukoy na sangkot ang “internet protocol” o IP address ng kagawaran sa naturang mga pag-atake.

“The statement that DOST potentially took part in initiating the alleged cyber-attacks is false. This statement was solely based on the tracked IP address and does not translate to the department’s involvement in the matter,” ayon sa Science department.

Bagamat aminado ang Science department na ipinapagamit nila ang ilan nilang IP addresses sa ibang ahensya ng pamahalaan bilang bahagi ng kanilang mandato sa ICT management.

“As part of DOST’s responsibility and mandate in terms of ICT management, DOST-ASTI is part of the larger government network and DOST-ASTI assists other government agencies by allowing the use of some of its IP addresses in the local networks of other government agencies.”

Batay sa imbestigasyon ng Sweden-based digital forensics na Qurium, lumabas na naka-link sa IP address ng DOST ang mga nakaraang cyber-attack sa website ng alternative media organizations na Altermidya at Bulatlat, at human rights group na Karapatan.

Bukod sa IP address ng DOST, nakita rin ng mga digital forensics team ang ilang cyber-attacks na naka-link naman sa IP address ng Philippine Army.

Kinondena na ng pamunuan ng Philippine Army ang insidente ng cyber-attacks, pero wala pa silang pahayag ng DOST kung iimbestigahan nila ang insidente.

Hindi naman ikinatuwa ng Malacanang ang akusasyon ng digital forensics group. websites.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi makatwiran ang pag-uugnay ng Qurium Media Foundation sa government agencies bilang nasa likod ng mga pag-atake.

“It is still unfair to link any government agency [to the cyberattacks] since this has not been investigated,” ani Roque.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na iimbestigahan din nila ang resulta ng pag-aaral.

Una nang itinanggi ng Department of Science and Technology at Philippine Army ang pagkaka-ugnay ng kanilang IP address sa mga insidente ng cyber-attack.