-- Advertisements --

Ipagpapatuloy ng Department of Science and Technology (DOST) ang kanilang clinical trials ng Ivermectin para sa paglaban ng COVID-19 sa tao.

Sinabi ni Dr. Jaime Montoya ang executive director ng DOST-Philippine Council for Research and Development na dahil sa patuloy ang kanilang ginagawang pananaliksik ay nais nilang masagot kung ito nga ba ay ligtas na gamitin ng mga mamamayan.

Dumepensa rin ito sa mga kritiko na huwag ng gumawa ng trials dahil nagawa na ito ng ibang bansa subalit sabi nito na nais nilang tignan kung epektibo ba ang nasabing gamot sa mga Filipino.

Iginiit ni Montoya na hayaan na lamang ng mga tao ang paggalaw ng science kung ito ba ay gagana o hindi gagana.

Magugunitang maraming mga medical groups ang nagbabala sa paggamit ng nasabing gamot dahil sa ito ay ginawa para sa mga hayop.