
Nilalayon ng Department of Science and Technology (DOST) ang isang positibong resulta sa pagpapalakas ng science and technology sa bansa dahil ang talakayan ng G77 at China Summit ay tumuon sa mga strategic goals ng Pilipinas.
Ayon kay DOST Sec. Renato Solidum, ang mga tinalakay sa nasabing summit ay naaayon sa programa ng gobyerno, at science and technology innovation ng Pilipinas.
Binigyang-diin ng opisyal na tinalakay sa event ang apat na strategic thrusts, kabilang ang “promotion of human well-being, quality of life, health, nutritional food, clean environment, at ang mga pabahay.
Sinabi niya na ang mga ito ay hindi ang pangunahing layunin ng kaganapan, sa halip, ay sa paghikayat sa paglikha kung paano ito makakamit ng mga mamamayan.
Aniya, makakamit ang mga layunin na mga nabanggit sa tulong ng pagsisikap ng mamamayang Pilipino na umangkop sa pagpapatupad nito.
Gayunpaman, nanindigan si Solidum na ang strategic goals na ito ay maaaring mawala dahil sa mga natural na kalamidad at ang umiiral na climate change.