Inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) na muling ilulunsad ang kanilang “Handa Pilipinas” exhibition ngayong linggo upang makatulong sa pagbebenta ng mga imbensyon ng mga local scientist na gumawa ng mga solusyon para sa mga sakuna at kalamidad.
Sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum na nagbabalik ang exhibit matapos ang isang pahinga sa panahon ng pandemya ng COVID-19.
Ito ay aniya, ihanda ang bawat komunidad at barangay sa pamamagitan ng science and technology para sa pagtugon sa mga kalamidad.
Ang ‘Handa Pilipinas’ ay isang showcase para makipag-ugnayan sa mga local government units, mga pribadong negosyo, iba pang ahensya na mayroong mga teknolohiya na gawang Pilipino.
Gagamitin ito para mas mapababa pa umano ang epekto ng mga posibleng panganib na dumadating sa ating bansa.
Ang mga imbensyon na inaasahang ipapakita ay kasama ang hazards maps na magagamit sa mga mobile app, unsinkable boats, mobile homes at biomedical devices.