BUTUAN CITY – Nag-donate ng mga gamit para sa nakatakdang pagbubukas ng molecular laboratory nitong lungsod na ilalagay sa Butuan Medical Center ang Department of Science and Technology (DOST) Caraga.
Kasama na dito ang RT-PCR machine na magagamit sa ggawing swab testing sa mga COVID-19 probable at suspect cases; ang level 2 bio-safety cabinet at may darating pang specimen collection booth.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni DOST-Caraga regional director Dr. Inday Mallonga, na ang dino-donate nilang RT-PCR test ay may malaking capacity at syang pangalawang makina na ng BMC kung kaya’t inaasahan nilang makaka-accommodate ito ng mas marami pang swab samples mula sa ibang mga probinsya.
Ito’y maliban pa sa kanilang project proposal na epidemiology survey para sa COVID-19 kaagapay ang Department of Health (DOH) Caraga at ang lokal na pamahalaan nitong lungsod ng Butuan.
Andyan pa ang gagawing testing gamit ang DOST-funded test kits na dini-develop sa Metro Manila upang matugunan ang testing need ng mga tao lalo na sa confirmation tests na gagawin.