Aabot sa 33 science experts ang kailangan ng Department of Science and Technology (DOST) para sa kanilang fellowship program.
Tiniyak naman ng kagawaran ang tamang pasahod sa mga ito.
Inihayag ni Thomas Pascual, mula sa DOST Science and Technology (S&T) Fellows Program na nagbukas ang kanilang ahensiya ng 33 slots para sa nasabing programa.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga researchers, scientist at engineers na e-assign sa iba’t ibang DOST research projects and institutes.
Sa nasabing programa, ang mga Science and Technology (S&T) Fellows ay inaasahang mag-participate sa conceptualization, policy and funding developments, at monitoring and evaluation sa iba’t ibang research and development programs at project.
Ang mga inisyatiba na ito ay bubuo ng higit pang mga output na may epekto sa lipunan at ekonomiya sa buong bansa tulad ng mga partnership, people services, publications, patent, products, at policies.
Partikular na hinahanap ng kagawaran ay ang radio frequency and wireless communications systems, blockchain technology, data and food science, environmental science, computer engineering, nanotechnology, material science and engineering, virology, geochemistry, health technology assessment or economics.