-- Advertisements --
Naglabas ang DOST ng storm surge warning ngayong araw dahil sa posibleng pagtaas ng tubig sa mga dalampasigan.
Dulot pa rin ito ng bagyong Kristine na bahagyang lumakas at lumapit sa kalupaan.
Sinasabing minimal hanggang moderate ang maaaring idulot na panganib ng storm surge na tatama sa loob ng susunod na 48 oras.
Kaya naman, pinag-iingat ang mga residenteng malapit sa dagat at iba pang anyong tubig.
Kabilang sa mga maaaring maapektuhan ay ang mga sumusunod na lugar:
Albay, Aurora, Cagayan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Isabela at Quezon.
Ang disaster risk reduction and management offices ay pinaghahanda at pinapayuhang gumawa ng mga hakbang ng pag-iingat para sa kaligtasan ng mga mamamayan. (Report by Bombo John)