Inihayag ng Department of Science and Technology na nakakarecover na sila mula sa mga hacking incident na bumiktima sa kanilang mga sistema.
Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., malaking data ng kagawaran ang kanilang na-retrieve mula sa naturang cyberattack dahil na rin sa kanilang back up.
Bukod dito ay balik operasyon na rin ang tatlong website ng ahensya na pangunahing tinarget ng mga hackers sa kaniyang cyberattack.
Samantala, sa ngayon ay patuloy pa rin aniya ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente upang alamin na rin kung gaano kalawak ang naging pinsalang idinulot nito.
Gayunpaman ay tiniyak ng DOST na hindi nakaapekto sa kanilang operasyon ang nangyaring hacking kasabay ng pagtiyak na patuloy nilang paiigtingin pa ang cybersecurity protocols ng kanilang kagawaran upang hindi na maulit pa ang ganitong uri ng mga pangyayari.