-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Science and Technology (DOST) ng mahigit 40 kalahok sa “Mix and Match” (MnM) study ng bansa.

Ang 18 buwang pag-aaral ay naglalayong suriin ang kaligtasan at immunogenicity ng paghahalo ng iba’t ibang mga bakuna sa coronavirus disease (COVID-19) at mga platform ng bakuna sa mga nasa hustong gulang na Pilipino.

Ang pangkat ng proyekto ay pinamumunuan ni Dr. Michelle De Vera ng Philippine Society for Allergy, Asthma, and Immunology (PISAAI).

Sinabi ni DOST Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina Guevara na dalawa sa limang site—ang Marikina City at Muntinlupa Cty ang aktibong nagre-recruit ng mga kalahok para sa trial.

Ang pag-aaral ng “Mix and Match” study ay inaasahang magpapatala ng 3,000 adult volunteers na may edad 18 pataas.

Aniya, ang lungsod ng Maynila ay dapat magsimula na ng recruitment at screening sa Disyembre 1.

Nabanggit ni Guevara na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng PSAAI para sa kanilang License-To-Operate (LTO) bilang sponsor noong Nob. 29.

Ang nasabing pag-aaral ay nilalaanan ng kabuuang badyet na P204.19 milyon sa ilalim ng DOST-Grants-in-Aid (GIA) program.

Nakuha nito ang pag-apruba ng FDA noong Nov. 16.