-- Advertisements --

Pinaigting pa ng Department of Science and Technology (DOST) ang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad ukol sa mga dumarating na kalamidad sa ating bansa.

Ayon kay DOST OIC Renato Solidum Jr., mahalagang may sapat na kaalaman ng mga karaniwang mamamayan, kung paano tutugon sa bagyo, lindol at iba pang sakuna.

Aminado rin ito na posibleng lumala pa ang mga bagyo, baha at iba pang mapaminsalang pangyayari dahil sa epekto ng climate change.
Kaya naman, sinisimulan na umano nila ang joint effort ng national at local government sa disaster response.

Tiniyak din nitong naglalaan ng sapat na pondo ang pamahalaan para sa mga proyektong makakatulong sa pagtugon sa kalamidad, kasama na ang pagtuturo sa mga mamamayan ng angkop na kahandaan.