-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isinailalim sa Dynaslope landslide alert level 1 ang sitio Sagasa, Brgy. Dadong, Tarragona, Davao Oriental. Ito ay dahil sa nararanasang pag ulan sa lugar nitong mga nakaraang araw.

Base sa DOST-Phivolcs Dynaslope Landslide Alert, nasa 24 households o 40 na residente sa lugar ang nasa peligro, kung kaya’t pinaalalahanan nito ang mga residente na mag-ingat.

Pinayuhan din ng ahensya ang LGU ng nasasakupang lugar na maghanda upang matulungan ang mga nasa peligrong residente sa pagtuon sa mas mataas na alertong ilalabas.