Pinag-aaralan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang posibilidad na maaring gamot sa coronavirus ang mga dahon ng tawa-tawa at lagundi.
Sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña, na bukod sa nasabing mga halaman ay isinama rin nila sa pag-aaral ang paggamit ng virgin coconut oil.
Sasailalim ang nabanggit na herbal medicines sa vitro trials sa Singapore kung saan may sangkap ang nasabing halamang gamot na maaaring magpagaling din ng mga nadapuan ng SARS-COV-2 virus.
Dagdag pa nito na sakaling magkaroong ng negatibong resulta ito sa laboratory sa Singapore ay hindi na sila magsasagawa ng clinical trial sa nasabing mga herbal plants.
Patuloy din aniya na sinusuportahan ng DOST ang mga pag-aaral na makakatulong sa paggaling ng mga nadadapuan ng coronavirus.
Nauna rito nag-alok ng pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte ng aabot sa P50-milion para sa sinumang makahanap ng gamot sa COVID-19.