-- Advertisements --

Pinaghahanda na ng Department of Science and Technology ang publiko sa pagpasok na ng tag-init sa ating bansa.

Ilang sa lugar kasi ay maaaring makaranas ng sobrang tagtuyot sa ilalim ng record na init na higit sa 40 degrees Celsius.

Ayon sa DOST, lalo na sa ikalawang quarter ng 2024, dahil sa pinangangambahang epekto ng El Niño phenomenon.

Ang Cagayan Valley ay maaaring magrehistro ng pinakamataas na temperatura sa panahon ng mga dry months.

Ang mag-aambag sa mainit na temperatura ay ang mas mataas na heat index sa ilang lugar, partikular mula Marso hanggang Abril ngayong taon.

Bukod dito, ang El Niño phenomenon na dahilan ng dry spell at dry condition na nararanasan sa ilang probinsya, ay may mahalagang papel sa mas mainit na temperatura ngayong taon.

Mararanasan ng Metro Manila ang tinatawag na meteorological dry spell o tagtuyot kung saan magkakaroon ng humigit-kumulang 21 porsiyento hanggang mahigit 60 porsiyentong pagbawas sa pag-ulan sa loob ng tatlo hanggang apat na magkakasunod na buwan.