Ikinatuwa ni Department of Science and Technology Secretary Fortunato de la Peña ang ginagawang pagtulong ng mga DOST scholars para sa unti-unting pagbangon ng bansa mula sa pagkakasadsad nito dahil sa COVID-19.
Mahigit 1,000 scholars mula sa ahensya ang nakiisa sa ginagawang relief operations, data encoding at validation, produksyon ng personal protective equipment (PPE), alcohol at community safety assistance.
Ayon kay DOST-Science Education Institute director Josette Biyo, tumulong din umano ang mga ito sa pagdedevlop ng online tracking mechanism para sa mga persons under investigation at monitoring maging sa pamamahagi ng food reliefs sa mga bata.
45 DOST scholars din ang pinadala sa iba’t ibang regional offices ng Department of Health sa ilalim ng proyektong Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance na gumagawa ng creative predictive models para sa mga outbreaks tulad ng dengue, measles, at typhoid fever.
Ipinagmalaki rin ni Biyo si Shana Genavia, DOST scholar, na naging bahagi ng DNA sequencing core facility na tumutulong mag-validate ng COVID-19 test kits na ginawa ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH).
“Indeed, there’s no amount of volunteer work that is too small nor big enough. The fact that reaching out to others while being under the same threat of exposure to the deadly virus is noble for our young scholars. We’re so proud of them,” saad ni Biyo.