-- Advertisements --

Plano ng Department of Science and Technology(DOST) na lalo pang palaguin ang textile industry sa bansa, sa pamamagitan ng mas malawak na research.

Binigyang diin ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na malaki ang maitutulong ng research upang mapagbuti ang industriya ng tela sa bansa, at mapataas hindi lamang ang kalidad nito kungdi ang kabuuang produksyon.

Sa pamamagitan ng tulong DOST, maaari aniyang lalo pang mabenepisyuhan ang mga negosyanteng nakapokus sa industriya ng tela, kung saan maaaring makatulong ang ahensiya sa design, product development, at training.

Tiniyak naman ng kalihim ang pagbibigay nito ng teknikal na suporta sa naturang indusriya, kasama na ang patuloy na pangununa sa mga research activities.

Ayon kay Solidum Jr., malaki rin ang maitutulong ng mga akademiya upang mapalakas ang naturang industriya.