-- Advertisements --

Naglabas ng hinanakita ng Department of Science ang Technology (DOST) dahil sa maliit na pondo ang inilaan sa kanila ng gobyerno para sa research and development.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Pena na dapat ay mayroong 1 percent ng gross domestic product ay mapupunta sa research and development subalit nangyayari ngayon ay mas maliit pa doon.

Hindi rin sapat at kulang din ang nakukuha ng ahensiya mula sa General Appropriations Acts.

Umaabot kasi ngayon sa P22.8 bilyon ang pondo ngayong taon ng DOST.