-- Advertisements --
Nanguna si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Pena sa listahan ng highest paid Cabinet officials.
Base ito sa pinakabagong Report on Salaries and Allowances (ROSA) para sa 2018 ng Commission on Audit.
Umabot kasi sa P4,137,678 ang kinita ni Dela Pena bilang kalihim noong 2018.
Ito na ang pangalawang beses na nanguna si Dela Pena dahil noong 2017 ay hawak pa rin ito.
Pumangalawa sa listahan si Education Secretary Leonor Briones na mayroong P3,950,357, Health Secretary Francisco Duque III (P3,714,783), Finance Secrectary Carlos Dominguez III (P3,705,788) habang nasa panghuling listahan si Tourism Secretary Berandette Romulo-Puyat na mayroong P2,115,259.31.