-- Advertisements --

Tiwala ang Department of Science and Technology (DOST) na magkakaroon ang Pilipinas ng pasilidad para sa paggawa ng bakuna sa 2022.

Sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevarra na mayroong dalawa sa anim na mga lokal na kompaniya ang nakausap na ng gobyerno para sa nasabing plano.

Kapag ipinagpatuloy ng kompaniya ang nasabing plano ay kayang makagawa ang bansa bakuna sa taong 2022.

Paliwanag pa nito, ang Fill and Finish o Fill-Finish facility ay makakatanggap ng malakihang bilang ng antigen na ilalagay sa ampoules, vials o injectables.

Sa loob ng dalawang taon ay kayang matapos ang tinatawag na Fill-Finish facilities.

Binigyang halaga ni Guevarra ang kahalagahan ng paglalagay ng vaccine manufacturing capability ng bansa para mapanatili ang national immunization program ng gobyerno.