-- Advertisements --
Boracay
Boracay Island/ FB image

KALIBO, Aklan – Muling nadagdagan ang talaan ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ng mga establisyimentong pinahihintulutan nilang maka-operate muli ng negosyo sa pamosong isla.

Batay sa Department of Tourism (DoT) updated list, nasa 372 accommodation establishments na may kabuuang 13,207 rooms na ngayon ang kanilang pinayagan na tumanggap ng mga bisita para sa ilang araw na bakasyon sa popular tourist destination sa buong mundo.

Samantala, nagpapatuloy naman ang road rehabilitation sa isla na inaasahang matatapos sa taon 2020.

Nabatid na ang P4 milyon na bahagi ng P25 bilyon medium term Boracay Action Plan (BAP) ay kasalukuyang ginagamit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa infrastructure; Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa social services; Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa environment at recovery ng wetlands at maging ang lokal na gobyerno ng Malay, Aklan.