-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Limang establishment ang panibagong nadagdag na may kabuuang 45 rooms ang pinayagan na ng Boracay Inter-Agency Task Force na muling magbukas ng kanilang negosyo sa Boracay.

Batay sa pinakahuling talaan na ipinalabas ng Department of Tourism (DOT), mula sa dating bilang na 353 ay aabot na sa 358 accommodation establishments na may kabuuang 12,952 rooms.

Una rito, kaliwa’t kanan ang pag-demolish ng ahensya sa mga establishment na nakitaan ng mga paglabag mula nang ipinasara ng anim na buwan ang mala-paraisong isla kung saan,nagpapatuloy pa ang rehabilitasyon.

Nabatid mula kay Environment Secretary Roy Cimatu na marami pang gusali ang target nilang ipasara partikular ang 11 na pagpamamay-ari ng mga Chinese at Koreans.

Ang mga ito ay sinasabing gumagamit ng business signage at menu sa mga restaurants sa Chinese characters kung saan mga turistang kababayan din nila ang tumatangkilik nito.