-- Advertisements --

Nakipagpulong ang Department of Tourism sa Cebu Chamber of Commerce and Industry na pinangungunahan ni Tourism Sec. Christina Frasco.

Layon nito na palakasin ang mga oportunidad sa pagnenegosyo sa nasabing lalawigan partikular na sa sektor ng turismo.

Sa ginanap na pagpupulong, iprinisinta ni CCCI President Jay Y. Yuvallos ang kanilang interes na mamuhunan sa sektor ng turismo sa probinsya.

Ito ay upang mapag-ibayo at mapayabong pa ang naturang sector na malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng lalawigan.

Sinabi naman ni Tourism Secretary Christina Frasco na ang ganitong interes ay welcome sa kanilang ahensya.

Kasabay nito ay iginiit ng kalihim na mananatili ang kanilang 100% na suporta para mapaunlad ang Turismo sa Cebu.