-- Advertisements --
frasco

Nagsanib pwersa ang Department of Tourism at ilang pribadong sektor upang muling isaaayos ang Tourism Sector ng Pagsanjan Laguna.

Nagsagawa ng fund raising activity ang isang travel Agency katuwang ang Department of Tourism na layuning nakatulong sa Tourism communities sa nasabing lugar.

Ang naturang Fund raising ay para sa muling pagbangon ng Tourist activities sa lugar.

Sa kabila ito ng paglulunsad ng Gala night ng isang organisasyon upang makalikom ng pondo sa pag rehabilitate sa mga pasilidad ng Pagsanjan Falls at sa iba pang karatig na lugar nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco,layon ng nasabing programa na suportahan ang mga bankero sa Pagsanjan Laguna.

Layunin rin nito na maibangong muli ang sigla ng Turismo sa lugar.

Aminado ang kalihim na malaki ang ambag ng pribadong sektor sa pagtulong nito sa muling pagbabalik sigla ng sektor ng turismo sa Pilipinas