-- Advertisements --

Dismayado ngayon ang Department of Tourism kasunod ng insidente ng pagnanakaw umano ng isang airport personnel ng pera mula sa isang dayuhan.

Ito ay matapos na mahuli sa akto sa kuha ng CCTV ang paglunok ng isang airport personnel sa USD300 bills na nawawalang pera ng isang Chinese passenger na paalis ng Maynila.

Sa isang statement ay binigyang-diin ng DOT na ang anumang uri ng krimen na ginawa laban sa isang turista ay maituturing na krimen laban sa ating bansa na nararapatan lamang na mapatawan ng karampatang kaparusahan.

Kaugnay nito ay nagpahayag din ng suporta ang ahensya sa nagin direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista na patawan maximum penalty ang naturang personnel sa oras na mapatunayang itong guilty sa naturang krimen.

Kung maaalala, nangyari ang nasabing insidente noong Setyembre 8 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kung saan nakitang nilulunok umano ng isang screening officer ang nasabing pera ngunit batay sa pagsisiyasat ng Office for Transportation, ay bukod sa babaeng nakita sa video ay mayroon pa palang dalawang screening personnel ang sangkot din sa nangyaring pagnanakaw.