-- Advertisements --
DoT Sec Puyat
DoT Sec Bernadette Puyat/ FB photo

Walang magiging epekto sa turismo ng bansa ang posibleng pagtanggal ng mga Chinese online gaming operations.

Sinabi ni Department of Tourism (DoT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, na hindi apektado ang tourist arrival sakaling tuluyan ng tanggalin ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.

Sa datus kasi ng DoT ay pangalawa ang China sa pianamakamalaking bilang ng mga turista na bumisita sa bansa sa unang anim na buwan ng 2019.

Nangunguna kasi ang South Korea sa pinakamaraming turista na bumisita sa bansa.

Nilinaw pa ng kalihim na problema ng Bureau of Immigration ang Chinese gambling industry at hindi nila ito pinapakialaman.