Hinimok ni Senadora Pia Cayetano ang Department of Tourism (DOT) na makipagtulungan sa ilang mga sports associations upang higit pang mapaigting ang turismo ng palakasan sa bansa.
Sa plenary deliberation ng panukalang pondo ng DOT, binanggit ni Cayetano ang iba’t ibang international sports events na ginanap sa Pilipinas tulad ng FIBA World Cup, Men’s Volleyball Nations League, at iba pa.
Giit ng Senadora, maaaring mapalawak ang sports tourism kung magkakaroon ang bansa ng higit na kooperasyon sa pagitan ng sports association at tourism.
Bagay naman na kinatigan naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Cayetano kung saan aniya paraan din ito upang ma-promote ang Pilipinas sa larangan ng palakasan.
Gayunpaman, ng P3.3 bilyong budget ng DOT para sa susunod na taon ay inaprubahan ng Senado matapos ang mainit-init na deliberasyon.