-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) na tumaas ang bilang ng mga dayuhang turistang bumisita sa bansa ngayong taong.
Sinabi ni Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado, umabot na sa 3.4 milyong turista ang bumisita sa Pilipinas mula January 1 hanggang May 31, 2019.
Ayon kay Asec. Alabado, mas mataas ito ng 9.76 percent kompara sa 3.1 milyong turistang naitala sa parehong period noong 2018.
Inihayag ni Asec. Alabado na mga Koreano ang nangunguna sa listahan ng mga turistang pumasyal sa bansa na nakapagtala ng mahigit 788,000.
Sumunod naman sa listahan ang mga Chinese na mayroong 733,000 at Amerika na may 472,000; Japan na may 281,000 at Taiwan na may 128,000 turista.