Kumpyansa ang Department of Tourism na aabot sa milyong-milyong foreign at lokal na turista ang daragsa sa bansa kasabay ng paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Batay sa pagtataya ng ahensya, maaaring pumalo sa 30 milyong turista ang bubuhos ngayon sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.
Karamihan sa mga ito ay posibleng magtungo sa mga ipinagmamalaking tourist destinations sa bansa.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na nakahanda ang kanilang ahensya anumang oras.
Ipinag-utos na rin ng kalihim sa lahat ng regional operations na pangunahan ang kanilang mga local tourist destinations sa kani-kanilang area of responsibility.
Patuloy rin ang kanilang gagawing pag-alalay sa mga turista sa ibat-ibang parte ng Pilipinas ngayong Holy Week.