Inilunsad ng Department of Tourism ang 2024 edition ng “Very Important Pinoy” tour program nito sa U.S.
Layunin ng nasabing programa na hikayatin ang mga Filipino-American, gayundin ang mga Amerikano, na bumisita sa bansa.
Ang pinagkaiba ng VIP Tour ngayong taon ay ang mga bagong destinasyon at ang mas malaking pagtuon nito sa cultural exploration.
Maaaring isama ng mga turista ang kanilang paglalakbay sa mga tanawin ng Maynila, bumalik sa nakaraan kasama ang mga lumang mansyon ng Bacolod at malalawak na taniman ng tubo, at masilayan ang katubigan ng Cagayan de Oro.
Ang mga biyahe ay kasama sa itinerary para sa VIP Tour ngayong taon, na mangyayari mula Hulyo 21 hanggang 30.
Hinimok ni Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez ang mga Pilipino sa U.S. na bisitahin ang kanilang sariling bansa, at anyayahan ang iba na sumama sa kanilang paglalakbay.
Aniya, mas makakatulong din ang naturang programa na mas mapalago pa ang ekonomiya ng bansa.
Matapos ang isang buwang promosyon ng kampanyang “Love the Philippines” ng DOT sa San Francisco, umaasa ang mga opisyal ng turismo na mas maraming first-time traveller sa Pilipinas ang sasali sa “Very Important Pinoy” tour.