-- Advertisements --

Inimbitahan ng Department of Tourism (DOT) ang mga Hollywood executives na gumawa ng pelikula dito sa Pilipinas.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, na ang maraming mga magagandag tanawin at mga local talents na siyang magugustuhan ng mga film makers mula sa ibang bansa.

Mayroong kakayahang magsalita ng English ang mga Pilipino kaya hindi na mahihirapan ang mga international film makers.

May ilang insentibo rin na makakamit ang mga film makers gaya ng pagkakaroon ng murang bilihin sa bansa ganun din ang trabaho.